500 kabahayan natupok sa Kyusi: 1 patay, 4 sugatan

ISANG squatter area ang nasunog kaninang madaling araw sa lungsod ng Quezon partikular sa Barangay Pinyahan.

Aaabot sa 500 kabahayan ang natupok ng nasabing sunog at isang residente ang naiulat na namatay habang 4 naman ang nasugatan.

Nagsimula umano ang sunog bandang 1:18 ng madaling araw ng linggo at naapula lamang ito bandang alas 5:00 ng umaga base sa report ng DZBB.

Pansamatalang nasa kalsada malapit sa National Irrigation Administration (NIA) ang umaabot sa 1,500 na pamilya na naapektuhan ng sunog.

Base sa inisyal na report, nagsimula ang sunog sa isang kandilang naiwan sa pangalawang palapag ng bahay ng nagngangalang Ronilo Pangatungan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply