500 training slots binuksan ng Tesda para sa mga out-of-school-youth

INIHAYAG ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa Maguindanao ang pagbubukas ng 500 training slots pasa sa mga out-of-school youth.

Ang pagbubukas ay ipinahayag ni Salehk Mangelen, pinuno Tesda kabilang ang mga training scholarship na maaaring pasukin ng mga kabataan ng Maguindanao.

Ayon kay Mangelen, ang sumusunod na bubuksan ay ang automotive servicing, baking, beauty care, carpentry, dressmaking, cottage industry, driving, electrical installation and maintenance, food processing, masonry, plumbing, at heavy equipment operator.

Ang naturang programa, ani Mangelen, ay magkatuwang na ipinapatupad ng Tesda, Department of Labor and Employment (Dole), United Nations Popularion Fund (UNFPA), United Nations Children’s Fund (Unicef), International Organization for Migration (IOM), at International Labor Organization (ILO).

Ang ILO ang nagbigay ng pondo para sa vocational skills training ng mga OSY, ayon kay Mangelen.

Layon ng naturang programa na mabigyan ng pagkakataon na makapaghanapbuhay ang mga kabataaang hindi nag-aaral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply