5,000 semilya ng isdang maliputo isinaboy sa Taal lake

PARA mas maparami pa ang lahi ng isdang maliputo na bukod tanging mahuhuli lamang sa taal lake ay nagpakawala ng fingerlings ang Department of Agriculture.

Nagpakawala ng may limang libong fingerlings ng isang maliputo ang Department of Agriculture sa lawa ng Taal.

Ayon kay Agriculture Sec. Proseso Alcala, isa sa  mahal na isda ng Batangas ang isdang maliputo, na malaki ang posibilidad na pagkunan ng livelihood ng mga tagaroon.

Batay sa pag-aaral, kumpara sa bangus at tilapia, mas mabilis lumaki at mas mataas ang survival rate ng maliputo.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang Taal lake nang pumutok ang fishkill sa nasabing lawa kung saan tone-toneladang mga isda ang naglutangang patay dahil sa kakulangan ng oxygen sa tubig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply