51 katao sugatan sa banggaan ng 2 bus

SUGATAN ang may 51 katao matapos na salpukin ang kanilang sinasakyang bus kagabi (Nobyembre 15) sa tinaguriang killer highway sa Quezon City.

Naganap ang insidente sa Tandang Sora Flyover malapit sa Commonwealth Avenue kung saan karamihan sa mga pasahero ng nasabing bus ay umalis na lamang na may mga minor injuries dahil sa pagmamadaling makapasok sa kani-kanilang trabaho.

Tatlo naman sa mga ito ay isinugod sa malapit na ospital upang malapatan ng lunas ang tinamo nilang mga sugat.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang mga nasugatang pasahero ay sakay ng “Everlasting” bus nang mabangga ito ng isa pang bus.

Nabatid na bigla umanong huminto ang driver ng “Everlasting” bus kaya hindi na nakapag-preno pa ang paparating na bus at agad itong bumangga dahil na rin sa madulas ang kalsada dulot ng patuloy na pag-ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply