53 katao nadakip sa magdamag sa North Cemetery

SA KABILA ng paalala ng lokal na pamahalaang lungsod at nang Manila Police District sa mga ipinagbabawal sa loob ng semeneteryo ay may nahulihan pa rin ng 10 gramo ng marijuana habang nagsasagawa ng pot session kagabi (Oktubre 31) sa loob ng North Cemetery.

Bukod dito, may 53 katao rin ang dinakip buong magdamag sa dahil sa alak kabilang ang isang nahulihan ng gun replica.

Inaresto rin ng mga awtoridad ang mga binatilyong nagsasayaw sa ibabaw ng nitso na pawang mga nakasuot lamang ng underwear.

Hawak ngayon ng MPD ang mga nadakip at nahaharap ang mga ito sa kasong alarm scandal at discretion of the dead.

Inasaahan namang lalo pang dadami ang mga taong pupunta ng North Cemetery upang dalawin ang kanilang yumaong mahal sa buhay kaya puspusan ang ginagawang inspeksyon at lalo pa itong higpitan ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply