58 pine trees itinanim bilang paggunita sa Maguindanao Massacre

NAKIISA rin ang mga miyembro ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) Baguio Bengeut Chapter sa paggunita sa ika-2 anibersaryo ng Maguindanao Massacre ngayong araw sa pamamagitan ng pagtatanim ng 58 puno ng pine trees.

Ito umano ay sumisimbolo sa 58 biktima na nasawi sa massacre na kinabibiangan ng 32 miyembro ng media.

Sinimulan naman ang pagtatanim ng pine trees dakong alas-8:00 ng umaga sa pangunguna ni NUJP Baguio Benguet Chapter chairman na si Art Alad-iw.

Nagmartsa rin ang NUJP simula sa Upper Session Road hanggang sa People’s Park sa Baguio City.

Ayon kay Alad-iw,  ang pagmamartsa ay bilang protesta sa kapabayan ng gobyerno sa  kaso kung saan hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng mga kaanak ng biktima ang katarungan .

Mayroon ding photo exhibit sa People’s Park na bahagi pa rin ng pag-alalala sa Maguindanao Massacre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply