6-anyos na nene dinaliri ng manyak na house boy

SWAK sa kulungan ngayon ang isang stay-in na house boy matapos itong ireklamo ng nanay ng 6-na taong gulang na batang babae nang madiskubreng paulit-ulit na minomolestiya nito ang huli sa Caloocan City.

Ang suspek na nakapiit na sa detencion cell ng Caloocan police at nahaharap sa kasong rape, violation ng RA 7610 sa Caloocan City Prosecution Office ay nakilalang si Jayson Mando, 19, stay-in house boy ng Brixton St. U.E Subd. Caloocan City.

Sa ulat ng Womens and Children Protection Desk (WCPD) Caloocan police, dakong alas-8:00 ng umaga nang mahuli ang suspek sa bahay ng pinapasukan nito sa naturang lugar.

Batay sa reklamo ng ina ng biktimang si Nene (di-tunay na pangalan), palagi na lamang umiinda ang kanyang anak na masakit ang kanyang ari at hirap sa pag-ihi. Dahil dito, kanyang ipinasuri sa pagamutan ang anak at nadiskubreng may UTI (urinary tract infection) ang bata.

“Si Kuya po Jayson, pag wala po mama ko, punta palengke, pasok siya kuwarto namin tapos tusok niya pipi ko ng daliri niya,” kwento ni bata.

Matapos na malaman ang sinapit ng anak sa kanilang house boy ay agad na humingi ng tulong sa pulisya ang ina ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip kay Mando at sinampahan ng nabanggit na kaso.

“Kaya pala, kaya pala, gustong-gusto niya na siya ang naiiwan sa bahay namin kapag namamalengke ako tuwing umaga yun pala binaboy niya anak ko,” galit na galit sigaw ng ina ng biktima sa himpilan ng pulisya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply