6 bahay natupok sa Cebu, kelot inatake, patay

NASAWI ang isang lalaki makaraang masunog ang isang residential area sa Barangay Capitol Site, siyudad ng Cebu kaninang madaling araw, Oktubre 7.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Alcordo Jr., residente ng nasabing lugar, kung saan matapos tumulong sa pag-apula ng apoy ay bigla na lang itong natumba at inatake dahilan para itakbo sa pagamutan ngunit idineklarang wala nang buhay makalipas ang ilang oras.

Nabatid na natupok ng apoy ang may anim na kabahayan kung saan umabot ito sa third alarm na naapuo matapos ang 12 minuto.

Umaabot sa P175,000 ang iniwang danyos sa naturang sunog.

Patuloy namang inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply