6 katao arestado sa aktong nagdadamo

DINAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region II ang anim na katao kabilang ang tatlong menor de edad matapos mahuling nagpa-pot session sa Brgy. Linao Norte, Tuguegarao City.

Ayon kay  Lloyd Allan Leanio, deputy regional director ng PDEA Region 2, lima sa mga nahuli ay mga estudyante at nakasuot pa ng kanilang mga uniporme sa eskulwelahan kasama ng isang  tricycle driver.

Sa report ni Leanio, nakatangap sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap pot session kaya mabilis silang nagsagawa ng operasyon na nagresulta ng pagkadakip ng mga suspek.

Hindi na nakapalag pa ang anim habang nasa aktong humihithit ng marijuana sa isang madamong lugar malapit sa paradahan ng mga tricycle sa Brgy. Linao.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang marijuana na hindi pa matukoy ang halaga.

Kaugnay nito, tiniyak ni Leanio na masusi ang ginagawa nilang imbestigasyon para matukoy kung saan nanggaling ang ginagamit na marijuana.

Kinasuhan din ang mga suspek dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply