6 katao nalason sa ulam sa GenSan

NAOSPITAL ang anim na katao kasama ang apat na miyembro ng pamilya makaraang malason umano sa kanilang inulam sa General Santos City kagabi, Nobyembre 7.

Isinugod sa General Santos City ang mag-asawang Alexander Reyes, 37, at Elisa Reyes, 33; at ang kanilang mga anak na sina Generose, 12; Jayson, 10; na residente ng purok Mauswaon, Labangal na kumain ng bihon at piniritong manok sa isang karinderya kagabi.

Habang may dalawa ring magkapatid ang dinala sa pagamutan matapos malason naman sa kinaing kaldereta at bihon na bigay ng kanilang kapitbahay na nakilalang sina Danica Tapin, 11; at Loren Tapin, 9, na kapwa residente ng Sampalok St., Dadiangas West, GenSan.

Ayon kay Elisa, dakong alas-6:00 kagabi nang kumain sila sa isang karinderya ng bihon at piniritong manok subalit makalipas ang dalawang oras ay nakaramdam sila ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo.

Noong nakaraang araw lamang, limang miyembro rin ng pamilya ang isinugod sa pagamutan dahil sa isda na kanilang inulam kung saan isa ang nasawi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply