6 katao tinamaan ng kidlat; 4 patawirin

ANIM na katao ang na-ospital sa Barangay Kidadan, Sta. Maria, Davao del Sur makaraang tamaan sila ng kidlat.

Ayon sa isa sa mga biktima na si Nora Perez, bandang alas 2:00 ng hapon ng Martes nang tamaan ng kidlat sina Aileen Batsan, 13; Jether Batsan, 7; Jenalyn Palomes Intia, 35; Mary Grace Kubol, 17; at Lemuel Perez, 37.

Kaagad naman isinugod ang mga biktima sa Sta.Maria Medical Hospital.

Nagrekomenda naman ang attending physician na si Dr. Almer Lumain na ang apat sa mga biktima ay kinakailangang mailipat sa Digos Hospital partikular si Aileen Batsan na may tama sa paa at nagtamo ng internal bleeding.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply