6 patay sa agos sa Lanao del Norte

NAMATAY ang anim na miyembro ng isang pamilya  makaraang tangayin ng malakas na agos sa Brgy. Lapayan, Kauswagan Lanao del Norte.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), patay ang limang magkakamag-anak matapos tangayin ng agos ng tubig at namatay din ang isang 5 taong gulang na bata.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, nangyari ang flash flood dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na nagpaapaw ng ilog sa lugar.

Patuloy ang ginagawang rescue operations ng NDRRMC at inaalam pa kung may mga nadamay sa naganap na flash flood sa naturang lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply