6 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa Edsa

NASUGATAN ang anim katao kabilang ang dalawang bata nang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng Edsa sa Quezon City Lunes ng umaga.

Kabilang sa mga nasugatan ay si Mitchell Roxas at ang mga anak nitong sina Shane Rose, 3-anyos at John Ray, isang taon.

Ang mga-iina kasama ang tatlong iba pang nasugatan ay isinugod Quezon City General Hospital.

Batay sa initial investigation, bumangga ang Pascual Liner bus sa nasa harapang bus ng Rose Transit habang nasa northbound lane ng Edsa malapit sa Roosevelt station ng Light Rail Transit (LRT).

Paliwanag ng drayber ng Pascual Liner bus na si Ryan Macas, mabagal lamang kanyang pagpapatakbo sa bus ngunit nawalan siya ng preno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply