674 blood donations positibo sa HIV

UMAABOT sa 674 blood units na donasyon sa Department of Health (DOH) ang positibo sa HIV.

Bunsod nito, umapela na rin ang DOH sa publiko na umiwas na lamang mag-donate ng dugo kung lantad sa mapanganib na sakit.

Nabatid kay National Epidemiology Center (NEC), Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, nakumpirmang positibo  ang naturang mga dugo sa HIV mula Enero hanggang Setyembre 2011.

Nito lamang Setyembre ay 10 ang nakumpirmang nagpositibo sa HIV mula sa 48 blood units na sumailalim sa screening ng DOH.

Ang natirang 38 naman ay nagnegatibo sa nasaturang sakit.

Ayon kay Tayag, ang mga dugong positibo sa HIV ay agad nilang ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at hindi nila ito isinalin sa ibang tao.

Sinabi pa ng kalihim na lahat ng idino-donate na dugo  sa DOH ay isinasailalim muna sa masusing pagsusuri upang malaman kung ligtas na isalin  sa ibang tao na nangangailangan nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply