7-anyos na bata patay sa landslide sa Samar

BINAWIAN ng buhay ang pitong taong gulang na bata habang, isa pa ang sugatan sa naganap landslide dulot ng malakas na ulan na naranasan sa Brgy. Guinsurongann, Catbalogan, Samar ngayong araw.

Ngayong hapon lang nangyari ang landslide kung saan apat na mga bahay ang natabunan at  aabot sa 15 pamilya ang naapektuhan.

Kaagad namang dumating ang rescue team at sinubukan pang iligtas ang dalawang biktima.

Buhay pa nang isinugod sa ospital ang dalawa ngunit ang matanda lang na nakilalang si Danilo Roque ang naisalba at tuluyang namatay ang bata.

Sa ngayon, nailikas na ang 15 pamilya na apektado ng landslide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply