7-anyos na totoy nalunod sa pool, todas

TIGOK ang isang pitong-taong gulang na totoy habang nasagip ang kaibigan nito matapos malunod sa swimming pool sa Caloocan City kahapon (Nobyembre 17).

Dead on arrival sa Nodado General Hospital si Russel Agwanta at taga-Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali, nagpunta ang biktima at kaibigan na si Ricardo Caranza, 8-anyos, sa swimming pool ni Emilia Paden sa Phase 10, Bagong Silang upang maligo kung saan nagbayad ang mga bata ng tig-P10 upang makapasok.

Nabatid sa imbestigasyon na napunta sa malalim na bahagi ang dalawang bata hanggang sa kapwa malunod.

Nang malaman ni Paden ang pangyayari ay agad na dumayb sa pool at nasagip si Caranza.

Binalikan ni Paden si Agwanta subalit wala na itong malay na naging dahilan upang dalhin sa nasabing ospital.

Inaalam na ng mga pulis kung may pagkukulang si Paden sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply