7 nakaw na sasakyan narekober sa Pampanga

UMISKOR ang pulisya laban sa carjacking syndicates nang madakip ang isang miyembro nito at marekober ang pitong sasakyang pinaniniwalaang nakaw sa Pampanga.

Sinabi ni Inspector Joselito Quila ng Philippine National Police’s Highway Patrol Group sa Central Luzon na hindi muna niya ibinunyag ang pangalan ng suspek dahil ikinakasa pa nila ang pagtugis sa iba pang kasamahan nito.

“Kahapon (Oktubre 31) may nahuli kaming personality, carnapper siya. Four days ago may kinarnap siyang Honda, pinasa niya sa Macabebe. Ang Quezon City at Macabebe police nag-follow up, positive doon at voluntary nakipag-ugnayan ang tenant,” pahayag ni Quila.

Sa pagkakahuli sa suspek, sinabi ni Quila na mayroon silang narekober na anim pang sasakyan na pnaniniwalaang nakaw din sa Pampanga.

Sa pitong narekober na sasakyan, isa pa lamang ang na-identify ng tunay na may-ari, dagdag pa nito.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Quila na ang modus operandi ng natruang gang ay maghihintay ng utos sa kanilang financier kung anong klase o uri ng sasakayn ang kanilang kakarnapin.

Dinala niya ang mga narekober na sasakyan sa Camp Olivas sa Pampanga para kilalalanin ng tunay na may-ari ng sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply