7 sugatan sa sumabog na granada

SUGATAN ang pitong katao matapos sumabog ang isang granada sa isang checkpoint sa Panabo City kagabi (Nobyembre 11) sa Panabo City, Davao Del Norte.

Agad na dinala ang mga biktima kabilang ang apat na sundalo na tinamaan ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Rivera Hospital para mabigyan ng karampatang lunas.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng nabanggit na insidente.

Nabatid sa ulat na naganap ang pagsabog sa check point na binabantayan ng 69th Infantry Battalion ng Phil. Army sa barangay San Roque bandang alas-6:30 kagabi. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply