700 pampasaherong bus sinuspinde ng LTFRB

AABOT sa 700 pampasaherong bus ang sinuspinde ang prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa paglahok sa bus strike na nagparalisa sa transportasyon sa Metro Manila noong Nobyembre 15, 2010.

Kasama sa kinansela ng LTFRB ang prangkisa, ang Philippine Corinthian Liner, habang sinuspinde naman ang prangkisa ng 16 iba pang kompanya ng bus.

Batay sa desisyon ng LTFRB, kabilang sa pinatawan ng anim-na-buwang suspensyon ng prangkisa ang may 129 na bus unit ng Philippine Corinthian Liner Corp na pag-aari ni Claire dela Fuente.

Ginawa ang desisyon matapos ibasura ng LTFRB ang kanilang motion for reconsideration na pinirmahan naman ni LTFRB chairman Jaime Jacob, board members Manuel Iway at Samuel Julius Garcia.

Ayon naman sa abogado ni Dela Fuente na si Atty. Harry Roque, iaapela nila ang naging desisyon ng LTFRB sa Department of Transportation and Communications.

“We will appeal the decision to Secretary (Mar) Roxas since we feel that it is factually and legally infirmed.” ani pa ni Roque.

Noong Nobyembre 15, 2010, nagsagawa ng tigil-pasada ang ilang kompanya ng bus na naging dahilan ng pagka-istranded ng mga komyuter.

Kabilang sa mga sinuspinde ay ang Admiral Transport Corp. (54 units), Angelito Chang (10 units), Don Mariano Transit Corp. (57 units), Irene Alejandro Arabia Boy Express (34 units), Jacinto Torres (29 units), Luzon Bus Inc. (36 units), Masel Transit Corp. (15 units), Mannrose Transit Corp. (30 units), Margarita Penalosa (18 units), Nova Auto Transport Corp. (76 units), Panda Transit Express (10 units), Roval Transit Corp. (68 units), Vil5000 Inc. (75 units), Voyager Express Liner Inc. (11 units), Wendell Lippad (22 units)

Ang Sampaguita Auto Transport Corp. ay sinuspinde naman ang 20 units ng isang buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply