8 barko ng SuperFerry makakabiyahe na

MAKAKABIYAHE na ang walong cargo ship ng SuperFerry na una nang sinuspinde matapos masangkot sa banggaan sa karagatan ng Sarangani Province na ikinamatay ng isang tripulante.

Ani Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Lieutenant Commander Algier Ricafrente na pinayagan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) na bumiyahe ang SuperFerry  1, 2, 5, 12, 20 at Superferry 21 maging ang Cebu Ferry 1, 2 at 3.

Pero limitado lang ang biyahe ng Cebu Ferry 3 dahil sasailalaim pa ito sa final inspection.

Binalaan naman ng MARINA ang Negros Navigation-Aboitiz Transport System Corporation na may-ari ng mga barko na sundin ang mga utos ng awtoridad dahil kung hindi ay sususpindehin muli ang mga ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply