8 mangingisda nawawala sa Cagayan

WALONG mangingisda ang idineklarang nawawala sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Linggo pa umano umalis ang mga mangingisda patungo sa Fuga Island sa mga bayan ng Aparri at Calayan ngunit hindi pa nakakabalik ang mga mangigisda sa kani-kanilang mga pamilya hanggang sa ngayon.

Nakilala ang mga mangingisda na sina Mark Cacayuran, 30; Bernardo Tricencio, 26; Ariel Cacayuran, 25; Edgar Siraon, 32; Fidel Carrera, 42; Jun Carrera, 40; Naming Abad, 50; at Julian Nagtaran, 45.

Inalerto na umano ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga karatig bayan at mga barangay pero wala umanong napapadpad na mga mangingisda rito.

Patuloy naman ang ginagawang search and rescue operations ng PCG sa naturang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply