8 nawawalang mangingisda ligtas na

LIGTAS na ngayon ang walong mangingisda na naunang napaulat na nawawala sa karagatan na sakop ng lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Lt. Cmmdr. Algier Ricafrente, nakita ng search and rescue team ng Coast Guard ang mga nawawalang mangingisda sa Fuga Island, Aparri.

Sa ipinarating na ulat ni Senior Chief Petty Officer Ernesto Renon ng Philippine Coast Guard (PCG), na-stranded umano ang mga magkakamag-anak na mangingisda na pawang mga taga-Barangay Macanaya, Aparri dahil sa mataas na alon sa karagatan matapos silang pumalaot noong Linggo (Nobyembre 20).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply