8 Pinoy kasama sa binihag ng Somali pirates

WALONG Pinoy na seaman ang kasamang nabihag ng mga Somali pirates habang lulan ng Taiwanese fishing boat kahapon (Nobyembre 4).

Sa ulat ng Taipei Times, sinabi ng Taiwan’s Ministry of Foreign Affairs na ang may-ari ng fishing boat ay si Ching Yi Wen at kinidnap ang mga tripulante nito dakong alas-2:00 ng madaling-araw kahapon.

Ayon pa sa report, tinatayang  may 28 katao umano ang nabihag kasama ang Chinese captain na si Ren Hai. Siyam ang Chinese, lima ang Vietnamese, anim ang Indonesian at walong Filipino.

Mabilis na naglalayag umano ang nasabing fishing boat patungong Somalia coast nang mawalan ito ng kontak sa kanilang kompanya.

Ayon pa sa Taipei Times, ang barko ay nilusob ng mga pirata malapit sa Seychelles, 595 nautical miles (1,800km) off the southeast coast ng Mogadishu.

Agad namang inireport ang insidente sa Piracy Reporting Center at sa International Maritime Organization’s International Maritime Bureau sa Kuala Lumpur.

Sinabi rin sa ulat na humingi na rin ng tulong sa UK Maritime Trade Organization at sa iba pang mga grupo.

Inatasan na rin ng Taiwan ministry ang South Africa, UK, US, France, EU, Malaysia at Dubai na  tumulong sa pag-rescue ng nasabing barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply