80 miyembro ng NPA sumuko

IPINAHAYAG ngayon ng militar na 80 miyembro ng New People’s Army (NPA) na pinangunahan ni Benjamin “Ka Nonong” Salusad na nag-o-operate sa bayan ng Kibungkog, San Fernando at sa ilang mga bayan sa probinsya sa Bukidnon ang sumuko kahapon (Nobyembre 15).

Ayon kay Lt. General Arthur Tabaquero, Eastern Mindanao commander ng Philippine Army, na ang naturang pagsuko ng mga rebelde sa Bukidnon ay resulta sa nagpapatuloy na Internal Peace and Security Oplan Bayanihan.

Ang naturang tagumpay ay pinagtutulungan ng mga Tribal Federation ng San Fernando, Bukidnon at ng ilang kooperatiba at nakumbinsi nila si Kumander Nonong at mga kasamahan na bumalik sa panig ng gobyerno ng Pilipinas.

Sinisikap ngayon ng kasundaluhan na mas mapabalik pa nila sa gobyerno ang iba pang rebelde na patuloy na nagtatago sa kabundukan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply