80 NPA sumuko

WALUMPUNG kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nagpasyang subukang muling makihalubilo sa lipunan sa ilalim ng Aquino Adminsitration kaya sabay-sabay silang nagsalong ng sandata, ayon sa ulat ng militar ngayon.

Sa report pinangunahan ng isang Benjamin “Ka Nonong” Salusad na nag-o-operate sa bayan ng Kibungkog, San Fernando, at sa ilang mga bayan sa probinsya sa Bukidnon ang sumuko kahapon.

Ayon kay Lt. General Arthur Tabaquero, ang Eastern Mindanao Commander ng Philippine Army na ang naturang pagsu-surrender ng mga rebelde sa Bukidnon ay ang resulta sa nagpapatuloy na Internal Peace and Security Oplan Bayanihan.

Ang naturang tagumpay ay pinagtutulungan ng mga Tribal Federation ng San Fernando, Bukidnon at ng ilang kooperatiba kung saan nakumbinsi nila si Kumander Nonong at mga kasamahan na bumalik sa panig ng gobyerno ng Pilipinas.

Sinisikap ngayon ng kasundaluhan na mapabalik pa nila sa gobyerno ang iba pang rebelde na patuloy na nagtatago sa kabundukan.

Nakahanda naman ang pamahalaan na pagkalooban ng panimulang puhunan para sa kanilang pagbabagong buhay ang mga nabangit na rebel returnees.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply