81 ektarya ng lupa nakatiwangwang sa Katimugan

TINATAYANG aabot sa 81 ektaryang lupa na pag-aari ng gobyerno ang nakatiwangwang lamang ng mahabang taon, at dahil dito nawalan ang gobyerno ng milyong-milyong pisong potensyal na kita.

Sa 2010 na ulat ng Commission on Audit (COA), isinisisi ang problema sa informal settlers na iligal na omuokupa sa loteng pag-ari ng gobyerno.

Dahil dito, tinatawagan ng state auditors ang Southern Philippines Development Authority (SPDA) para harapin ang isyu.

“Real properties amounting to P3,418,581.50 remained idle for years, thus their beneficial use were not fully developed to achieve the mandate of the agency relative to economic development,” pahayag ng COA.

Sinabi ng COA na ang SPDA, na isang government-owned and controlled corporation, ang siya dapat tumingin para ikasang umunlad ang southern Philippines.

Pero sa pag-aaral sa ari-arian ng gobyerno sa Mindanao sa ilalim ng kanilang pagmamatyag, lumabas na sa 21 ng 35  parcels ng olupa na nasa iba’t ibang lugar ay hindi napapakinabangan.

Ilan sa mga ari-arian na ginamit noong mga nakalipas na taon para sa corporate projects pero inabandona rin ito nang ang  SPDA ay pinatigil noong Nobyembre 2002.

Sinabi pa sa ulat ng COA na kabilang sa 62.6 hectares ay ang abandoned projects tulad ng poultry project sa  Pasobolong, Zamboanga City; isang feedmill project sa Talon-Talon, Zamboanga City; isang broodstock project sa Panaon, Misamis Oriental; isang rubber plantation sa Kidapawan City, North Cotabato; at 2 fishponds sa Davao Oriental.

Samantala, inokupa ng informal settlers, ang 24 hectares ng idle government properties na ay market value na P17.6 million.

Sinabi pa sa ulat na kaya naokupa ng informal settlers ang government properties sapagat walang itinalagang caretakers para bantayan ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply