Bus vs Crosswind: 1 patay, 2 sugatan

PATAY ang drayber ng isang Isuzu Crosswind matapos itong banggain ng kasalubong na Yellow bus sa Barangay Pagalungan, Polomolok, South Cotabato.

Ang napatay na biktima ay kinilalang si Anecito Alcade, residente ng Lopez Jaena St., Poblacion Matalam, Cotabato. Habang sugatan naman sina Anabel Alcalde at Ruwen de Leon pawang sakay sa minamaneho ni Alcade.

Base sa may hawak ng kaso na si PO2 Juan Guido ng Polomolik PNP, nasa kanilang kustidiya na ang drayber ng Yellow bus na si Jimmy Camunsa, Jr. ng Lopez Jaena Street, Digos City.

Nabatid din na walang nasaktan sa mga pasahero ng bus.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyo ng pulisya para matukoy ang tunay na nangyari sa aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply