Humble Riches wala pang dungis

ISA sa pinamahusay na batang kabayo sa bansa ay si Humble Riches dahil wala pa itong talo mula ng lumaban ito sa aktuwal na karera.

Nag-reyna si Humble Riches sa second at third leg ng Juvenile Fillies stakes kung saan ay naging impresibo ang kanyang naging tiyempo sa dalawang nasabing event.

Omoras ang 2-year-old filly Humble Riches ng 1:00 sa 1,000 meters sa second leg at 1:11.4 sa 1,200 meters sa third leg.

Ayon sa may-aring si Kenneth Causon ay handang-handa na si Humble Riches na sumabak sa darating na Philracom Juvenile Championship sa Disyembre 11 kung saan tumataginting na P2.5 million ang total prizes.

“Kasali si Humble Riches d’yan pero huwag sanang magkaroon ng problema sa kanyang resistensya kasi magkakadikit ‘yung dalawang malaking karerang sasalihan niya,” wika ni Causon.

Lalong umumento ang kanyang galing nang manalo ito ng 10 kabayo laban kina Alpha Alleanza at Fair Wind sa Juvenile Fillies Stakes ng Don Juan Derby noong Oktubre 2.

“Masyadong magaling ngayon si Humble Riches kahit medyo mahirap siyang ispelengin kasi hindi basta-basta sumama ‘yan kahit sa kanyang sota dapat binobola muna,” ayon kay Banjo Sopenaski isang racing expert analyst.

Si Humble Riches na maagang naging kampeon sa edad na dalawang taon ay hinahanda ni trainer Ruben Clor. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply