Abalos, isinugod na naman sa pagamutan

ISINUGOD na naman sa ospital si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos dahil sa hindi magandang kondisyon ng katawan nito bunsod ng matinding tensiyon simula pa nitong Biyernes hinggil sa resulta ng desisyon ng Joint Comelec-DOJ panel sa kasong election sabotage.

Una nang sinabi ng anak nito na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na hindi pa rin umano ito handang humarap sa publiko at humihiling muna ng privacy.

Ayon sa nakakabatang Abalos, na-ospital ang kanyang ama dahil halos pumutok ang bituka nito sa sobrang pag-iisip, lalo na’t may dati na itong may ulcer at high blood.

Nabatid na sumugod ang dating Comelec chairman sa Comelec office upang alamin ang desisyon ng Comelec en banc kaugnay ng electoral fraud noong 2007.

Nanggalaiti si Abalos dahil ngayon lamang niya naririnig ang ganoong kaso bagama’t hindi ito naisama sa ipinaaaresto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply