Abalos ‘takot’ pang humarap sa publiko

HINDI pa handang humarap sa publiko si dating Commisison on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos kaya hinihingi nito na mabigyan muna siya ng “privacy.”

Nabatid na si Abalos ay na-ospital  noong Biyernes dahil sa tension matapos ang kaganapan sa kasong electoral sabotage kaugnay sa dayaan noong 2007 election.

Bigla na lamang umano itong nakaramdam ng hindi magandang kondisyon kaya dinala agad ito sa ospital.

Napag-alaman na nangyari ang pagsugod sa dating Comelec chairman pagkatapos ng kanyang pagtungo sa Comelec office upang alamin ang desisyon ng Comelec en banc kaugnay ng electoral fraud noong 2007.

Sa ngayon ay nakikiusap  ang dating Comelec chair na bigyan muna siya ng pagkakataong makapagpahinga dahil hindi pa niya kayang humarap at magsalita sa publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply