Abogado, doktor ni GMA gigisahin sa Kamara

PINAIIMBESTIGAHAN ngayon ng Makabayan bloc sa Kamara ang mga abogado at doktor ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos ilihim diumano ang tunay na kondisyon ng dating Pangulo.

Ang Makabayan bloc ay binubuo nina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares, Anakpawis Rep. Rafael Mariano, Gabriela Women’s Party Reps. Luz Ilagan at Emmi de Jesus, Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino at ACT Teachers’ Partylist Rep. Antonio Tinio.

Sinabi ni Casino na isang resolusyon ang nakatakda ihain sa Lunes (Nobyembre 28) para sa pagpapa-imbestiga sa mga abogado at doktor ni GMA.

Nakakadismaya aniya na ang mga professionals na tulad ng doktor at abogado ang nagtatangka umanong lokohin ang sambayanang Pilipino sa kalagayan ni Arroyo.

Sinabi pa nito na lumalabas na hindi na kailangang lumabas pa ng bansa si GMA para magpagamot dahil gumagaling na ito at paraan lamang umano ito para matakasan ang mga akusasyon laban sa kanya. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply