Abogado ni Ramona di nakapagsumite ng affidavit

HINDI nakapagsumite ngayon ng affidavit ang abogado ni Ramona Bautista, isa sa isinasangkot sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen Revilla sa isinagawang preliminary investigation sa tanggapan ni Parañaque City Assistant Prosecutor Leah Roma.

Dahil dito, si Ramona ay binigyan ni Roma ng hanggang Nobyembre 18 para humarap at magsumite ng salaysay o tugon para sa akusang pagpatay sa sariling kapatid noong Oktubre 28 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa BF Homes Paranaque City.

Pinagbigyan din ni Roma ang kahilingan ni Atty. Dennis Manzanal, abogado ni Ramona, na dagdagan ang panahon para makapagsumite ng counter affidavit sa isinampang kasong murder at frustrated murder laban sa kanyang kliyente.

Kapag hindi nakatupad si Ramona o ang abogado nito, ituturing nang submitted for resolution ang kaso.

Sa sandaling mangyari ito, magdedesisyon na ang piskalya na iaakyat na sa korte ang kaso laban kay Ramona kahit wala pang isinusumiteng salaysay.

Ayon kay Roma sa karaniwang proseso, kailangan humarap sa piskalya ang akusado upang makapanumpa.

Tumanggi naman ang piskalya na sumagot nung tanungin ng mga mamamahayag kung tatanggapin niya kung magpapadala lamang si Ramona ng kanyang affidavit na maaaring panumpaan nito sa embahada o konsulada ng Pilipinas.

Hindi rin nagbigay ng anumang pahayag si Atty. Manzanal ukol sa hindi pagsusumite ng counter affidavit.

Samantala, bukas ng hapon (Nobyembre 11) ay isusumite naman ng Task Force Ramgen ng Parañaque City Police ang kanilang counter affidavit o replay sa affidavit ng dalawang suspek na sina Francis Tolisora at Michael Jay Nartea na naghugas-kamay sa pagpatay kay Ramgen at tangkang pagpatay kay Janelle Manahan. Idiiniin nila sa krimen ang magkapatid na Ramona at Ramon Joseph.

Pagkasumite ng counter affidavit ng Task Force Ramgen , submitted for resolution na ang reklamong murder at frustrated muder laban kina Tolisora at Nartea.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply