Action-serye ni JC de Vera sa TV5 di nagmarka sa mga manonood

BUMABAGSAK na ba ang popularity ni JC De Vera at tila naging matamlay ang pagtanggap ng televiewers sa TV remake nila ni Jasmine Curtis ng blockbuster movie noon nina Robin Padilla at Vina Morales sa Viva Films na “Ang Utol Kong Hoodlum.” ‘Yung sa original movie version nito nagkaroon pa ng sequel dahil sa sobrang lakas nga ng movie na ito nina Binoe at Vina.

Well, may narinig kaming reactions na kaya hindi nagustuhan ang remake nina JC at Jasmine ay dahil unang-una, walang chemistry ang dalawa at saka parang sinauna ang dating ng story at medyo hindi naging bagay kay JC ang astig na dating ni Robin sa orig na movie nina Binoe.

No offensement to JC, hindi porke’t mahusay siyang actor eh ipagpipilitan sa kanya ng TV5 na gumanap sa mga ganitong action-serye na hindi naman nababagay sa kanya Chakitang Perci Intalan, dahik ang forte niya’y drama.

Sa gag show nga na Lokomoko U, trying hard din ang dating ng actor sa pagpapatawa. Sayang naman kung dahil lang sa mga maling desisyon ninyo ay tuluyan nang bumagsak ang career ni JC na dating very blooming sa GMA-7.

Honestly, magtatapos na this week ang Utol ng actor pero sad to say, di talaga ito nagmarka sa televiewers.

Kawawang Jasmine Curtis gyud!

***

Magsyotang youngstars panakaw sa kanilang tikiman

WALA bang pang-hotel ang ma-appeal na young actor na ito at ang tsinita niyang girlfriend na parehong naka-kontrata sa isang malaking TV network at kahit saan na lang sila abutan ng kanilang kati ay roon na sila gagawa ng krimen?

Kabaliwed! Super deny ang dalawa na hindi sila naglaplapan sa rooftop ng kanilang mother network eh, may nakakita kaya sa kanila roon, no? Well, hindi naman daw umabot sa luhuran blues ang dalawa pero bigay na bigay ang mga ito sa kanilang French kissing na animo’y mga hangap sa isa’t isa. Initials ng magkarelasyong youngstars RC kay guy at sa girl naman SH.

***

Good Samaritan Modesto San Jose tinulungan at binigyan ng cash regalo ni Bossing Vic Sotto

ASIDE sa winner ng Juan For All For Juan sugod-bahay sa Barangay na si Ermilinda Bernardo na residente ng Sumulong St. Brgy. San Pedro, Angono Rizal na nabiyayaan ng malaking halaga ng cash at sari-saring papremyo, pinapuntahan rin ni Bossing Vic Sotto kina Dabarkads Wally, Jose at Paolo si Mang Modesto San Jose na ka-barangay din ni Ginang Ermilinda na ayon sa research ng Bulaga Team ay isang Good Samaritan. Yes, mula mismo sa bulsa ng mga kasamahang Kursilista ang ginagamit nila Bro. Mode na panggastos nila sa kanilang “feeding program” at pagtuturo sa mga bata sa iba’t ibang lugar.

Kaya naman para higit pang maisagawa nila ito ay ipinadala ni Bossing kay Wally ang kanyang wonderful Christmas cash gift para kay Bro. Mode at sa kanilang samahan, na labis na ikinatuwa siyempre ng mga ito.

Ganyan magpahalaga ang Bulaga sa mga good Samaritan na katulad ni Modesto San Jose.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply