Adik na footballers dumarami

DUMARAMI na umano ang mga adik na atleta sa hanay ng football na kinumpirma na rin ng FIFA.

Dahil dito, inanunsiyo na ng FIFA ang pagkakaroon ng isang pilot study kaugnay na rin ng nalalapit na Club World Cup.

Ayon sa football sanctioning body, sa Japan sasabak ang mga atleta kung saan maraming clubs ang lalahok habang isasagawa rin ang random doping controls.

Ang mga atleta mula sa Barcelona at iba pang clubs na sasali sa laro na gaganapin mula December 8 hanggang 18 ay isasailalim sa tests upang matiyak na walang durugistang makasasalang sa laro.

“Every club will be required to provide FIFA with accurate details of their team activities (matches, training schedule, etc) during the period from 14 November to 8 December 2011,” ayon sa world football’s governing body.

Isasagawa umano ng FIFA ang tests sa mga atleta para ikumpara ito sa steroid profiles ng mga naging positibo noon para maging malinis ang mga sasabak sa Club World Cup 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply