Administrasyon ni GMA binatikos ni PNoy sa APEC Summit

HINDI naiwasan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na batikusin ang nakaraang administrasyon ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa dinaluhang Asia Pacific Ecenomic (APEC) Summit sa Sheraton Waikiki sa Honolulu Hawaii, USA.

Sa pagharap ni Pangulong Aquino sa CEO Summit kung saan naging sentro ang Commodity Security and Economic Growth ay sinabi nito na napakaraming problema ang naiwan ng nakalipas na administrasyon na kasalukuyan aniya nilang inaayos.

Sa pahayag ng Pangulo ilang konsepto ang binabago ng kanyang administrasyon upang mapatatag ang supply ng pagkain sa bansa.

Aniya, ilan umano sa bunga ng mga reporma ng kanyang administrasyo ay ang hindi muna pag-aangkat ng karagdagang bigas at pagkakaroon ng magandang ani nitong nakalipas na tatlong quarters kaya may buffer stock hanggang sa unang bahagi ng taong 2012.

Ayon pa sa Pangulo, patuloy ang mga ginagawang pagbabago sa Pilipinas upang mas mapabuti pa ang kalagayan nito sa harap ng epekto ng global financial crisis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply