Major hinoldap habang kumakain ng lugaw

HINDI umubra ang pagiging matikas ng isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos holdapin ng 5 kalalakihan habang kumakain ng lugaw kaninang umaga sa Sampaloc, Maynila.

Personal na dumulong sa Manila Police District-Police Station 4 ang biktimang si AFP Major Joel Bucao, 43, ng 115 Batanes St. corner Vizayan Avenue, Sampaloc, Maynila.

Ayon sa pulisya, alas 10:30 ng umaga nang maganap ang panghoholdap kay Major Bucao malapit sa kanyang bahay sa nasabing lugar.

Nakatalikod ang biktima nang tutukan ng mga suspek na pawang nakasuot ng bonnet at kinuha ang kanyang gintong kuwintas at bracelet na nagkakalahaga ng P140,000, .45 kalibreng baril at P25,000 cash.

Nagpaputok pa umano ang mga suspek bago tuluyang tumalilis sakay ng tatlong motorsiklo.

Napag-alaman sa impormasyon na ang biktima ay nagpapa-5-6 kaya posible umanong natunugan ito ng mga suspek na may dalang malaking halaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply