Agrikultura tugon sa economic crisis

TINAGUBILINAN ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling lathalang-ulat ang kanyang mga adviser na tugunan ang krisis pang-ekonomiya na sumasakal hindi lang sa bansang Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ito ay reaksyon ng Pangulo sa babala ni World Bank President Robert Zollick na malapit na ang mundo sa mapanganib na punto kung saan dahil diumano sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain ay magkakaroon ng economic instability.

Ang agrikultura, ayon sa pahayag ng kilalang imbentor na si Gonzalo Catan Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines, ay maaaring magkaroon ng mahalagang papel sa pagpigil sa nakabantang krisis. Ngunit para ilayo tayo sa napipintong krisis ay kailangan umanong tanggalin ng gobyerno ang pagiging kontra sa agrikultura.

Mahalaga ang agrikultura sa ekonomiya dahil binubuo ito ng 1/5 ng domestic products ng bansa at nagbibigay ng kabuhayan sa mahigit 40 porsiyento ng populasyon partikular sa mga kanayunan. Importante man umano, nananatili pa ring pinakamahihirap na sektor ay ang mga magsasaka. “With the investment climate so biased against the industry, its growth has for years been in the decline. If it is any consolation, the Department of Agriculture painted a bright picture for the industry by the end of this year,” sabi ni inventor Catan, Jr.

o0o

Magandang balita sa mga empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Simula sa Lunes, matatanggap na nila ang kanilang yuletide bonuses kasunod ng tagubilin ni MMDA Chairman Francis Tolentino. Inihahanda na ang pagpapalabas ng kabuuang P33 million bonus para sa 6,800 regular, temporary at casual agency employees.

Ang mga bonus ay kabibilangan ng natitirang kalahati ng 13th month at cash gift. Ang maagang pagpapalabas ng cash bonuses ay upang bigyan ng sapat na panahon ang pamilya ng mga empleyado na makapamili ng pangregalo sa mga anak at mga pagbibigyan ng regalong ngayong Kapaskuhan. Pero sisipagin naman kaya sila laban sa grabeng trapik ngayon?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply