Airline operators kinuwestiyon ang kautusan ng CAAP

UMAPELA ang grupo ng airlines operators  sa inilabas na kautusan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pumipigil sa dating Pangulong Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo na sumakay sa kanilang mga eroplano.

Ayon kay Airlines Operators Council (AOC) head Maria Lourdes Reyes, walang kahit sinong government agency ang makakapigil sa kanila sa pagpahintulot sa kahit na sinong gustong  sumakay sa kanilang mga eroplano.

“We are an independent group and not under any government agency. We do not represent any special interest but instead to our clients,” ayon kay Reyes.

Kinuwestiyon ni Reyes ang CAAP sa pag-isyu ng MC 15-11  na  humihiling sa lahat ng airlines companies  na makipagtulongan na ipatupad ang Hold Departure Order (HDO) at watchlist order (WLO) laban sa  mag-asawang Arroyo.

“The Civil Aviation Authority of the Philippines, pursuant to the letter-request of the Secretary of the Department of Justice dated November 15, 2011, is requesting the utmost cooperation of all concerned in the implementation of the Watch List Order (WLO) No. 2011-573 issued against former President Gloria Macapagal Arroyo and former First Gentleman Jose Miguel Arroyo,” nakasaad sa MC na inisyu sa AOC.

Ang AOC ang grupo ng lahat ng airlines companies na nag-ooperate sa bansa.

Ayon kay Reyes, ang kanilang grupo ay walang karapatan na ipatupad ang HDO o WLO  at tanging ang Bureau of Immigration  lamang ang may madatong gumawa nito.

Giit pa ni Reyes na ang mandato ng CAAp na i-regulate ang aviation policies at hindi ang   pagsakop sa operasyon ng airlines.

Aniya bilang Filipino  , nararamdaman niya na tila inoobliga siyang ireport ang  pangyayari  kung saan  labag umano sa polisiya ng kompanya na sabihin ang  impormasyon  ng mga pasahero.

“There is a confidentiality clause between ticketed passengers and airline companies about the release of any information,” ani Reyes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply