Akbayan inilunsad ang ‘Bantay Gloria’

BABANTAYAN na ngayon ng grupong Akbayan ang kilos ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Bantay Gloria.”

Ayon kay Akbayan spokesperson Rissa Hontiveros, na layunin ng Bantay Gloria na tiyakin na hindi makalalabas ng bansa si Ginang Arroyo na nahaharap sa mga kasong plunder at electoral sabotage.

Bagamat naniniwala silang may sakit si Arroyo ay puwede naman itong magpagamot sa Pilipinas dahil mayroong kakayahan ang mga doktor sa bansa para sumuri sa sakit nito.

Iginiit ni Hontiveros na dapat tutukan ni Justice Secretary Leila De Lima ang anggulong kayang gamutin at paggalingin si Arroyo sa loob ng bansa bago magdesisyon sa hirit ng kampo ng dating pangulo na makapagpagamot sa ibang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply