Akusasyong nagpa-abort si Rhian Ramos makasisira sa endorsement ng actress

KAHIT na sana’y na kaming makarinig ng artistang nagpapa-abort, medyo shock kami rito sa headline sa mga tabloids tungkol sa pagpapalaglag diumano ni Rhian Ramos sa ‘baby’ supposedly nila ni DJ Mo na nanggaling pa mismo sa magaling na radio and teevee personality ang news kaya labis na ikinawindang ng mga nakarinig sa big revelation na ‘to. Nadagdagan pa ang hinala na may galit talaga ang nasabing sikat at controversial na deejay/TV host sa kanyang “tweets” patungkol kay Rhian at ito ang pi-nost niya sa kanyang Twitter account.

“I will not protect you anymore” na ang ibig sabihin nito ay hindi na niya pagtatakpan pa ang nobyang young actress/host. Tapos, last Nov. 24 naman ang kanyang tweet ay “you will regret harming this man becuase he will be your greatest horror.”

Di ba naman nakatatakot at mukhang ‘yung supposed abortion ni Rhian ay alam daw ng pamilya ng actress.

For sure, malaking epekto para sa TV, movie at endorsement career ni Rhian ang maselang issue, knowing kung gaano sila kahigpit sa kanilang mga endorser na number one hate nila ay ma-involve ang mga ito sa iskandalo.

Pero teka, Manang Cristy Fermin, dalawa rin kayo ni Shalalalost sa dahilan kung bakit lalayasan na ni DJ Mo ang mga shows n’yo sa TV5 na Juiceless at Chakarazzi kahit pa may existing contract pa ito sa Kapatid network. Kasi naman dahil sa inyo imbes na umangat ang hosting career ni Mo ay lalo pa itong bumagsak.

Papano naman siya magkakaroon ng progress eh, maliban sa nakaiirita kayong panoorin dahil sa kapangitan ng inyong mga programa, zero rating pa kayo. Kaya nga ilang ulit ng pinalitan ang timeslot n’yo ay dahil wala kayong regular viewers tulad ng naunang Juicy kung saan aliw na aliw ang mga manonood sa style ng hosting ni BFFT Pete A. at hurting sigurong kahit ngayon siya ang hinahanap ng fans at di kayo Manang Cristy at Shalalaletch. Naku! ‘Ayon sa hula, malapit nang magising si Chakitang Perci Intalan sa kanyang ulirat at malapit na kayong palayasin riyan sa TV5. Real Confessions gyud!

***

Excited nang mapanood ang Sarah-Gerald movie ng milyones nilang tagahanga!

SIYEMPRE hindi pababayaan ng kanyang millions of fans mula Luzon, Visayas at Mindanao si Sarah Geronimo, ganoon rin naman ang mga tagahanga ni Gerald Anderson. Araw-araw sa aming showbiz program nila BFFT Pete A. at Abe Paulite sa DWIZ(882KHZ) na Star Na Star, nagti-text sa amin ang mga Popsters, isa sa grupo ng mga supporters ni Sarah.

Sabi pa ng mga ito, minarkahan na raw nila sa kanilang mga kalendaryo ang petsang November 30 na playdate ng movie ng idol nila at ni Gerald na Won’t Last A Day Without You na pinagtulungang i-produce ng Star Cinema at ng Viva Films.

Walang dahilan para hindi panoorin ng publiko ang nasabing pelikula lalo pa’t tayong mga Pinoy ay mahilig sa mga ganitong klaseng romantic-comedy movie. Sabi nga ng mga taga Star Cinema mula simula hanggang ending mai-in-love at matatawa ka rito.

Si Sarah ay si Heidee sa movie na ‘to na isang sikat na Deejay na nagpapayo sa mga lovesick guys and dolls. Gerald plays Andrew, an easy-go-lucky playboy na ang trato sa mga babae ay laruan. So, kung papano magtatagpo at ma-i-inlab ang dalawa ay siyang tema ng movie na nararapat n’yo panoorin.

Kasama rin nina Sarah at Gerald dito sina Tito Joey de Leon na gumaganap na daddy ng Pop Star Princess, John “Sweet” Lapus” at marami pang iba.

Sa ilalim ng direksiyon ng mahusay na scriptwriter turned movie director na si Raz de la Torre. Ipalalabas ang Won’t Last A Day Without You sa mahigit 100 theaters nationwide. Makipila na gyud mga Kapamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply