‘Akyat eskwela gang’ natimbog sa Laguna

NASAKOTE ng awtoridad ang hinihinalang lider ng tinaguriang “akyat eskwela gang” at tatlo pang miyembro nito sa magkahiwalay na operasyon sa Laguna.

Ayon kay Laguna Police Chief Senior Superintendent Gilbert Cruz, naaresto ang lider ng grupo na si Joseph Agnes sa Barangay Ugong, Santa Cruz.

Nabatid na ang grupo ni Agnes ang responsable umano sa panloloob sa iba’t ibang paaralan sa ikatlo at ika-apat na distrito ng nasabing lalawigan.

Naaresto naman ang tatlong kasama ni Agnes na nakilalang sina Allan Villamor, Wenfredo Calleja at Ricardo Callo noong nakalipas na linggo sa Pakil.

Napag-alaman na pakay ng grupo ang mga computer at iba pang mahahalagang gamit sa eskwelahan.

Nakuha sa pag-iingat ng tatlong suspek ang .38 kalibreng baril at iba pang mga gamit sa pagnanakaw.

Hinikayat naman ng mga pulis ang mga opisyal ng paaralan na nabiktima ng grupo na magsampa ng mga kaukulang reklamo sa mga naaresto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply