Alam kaya ni Mayor Lim, may nangongotong sa sugalan?

ISANG text message ang natanggap natin mula sa ating text tipster na isang alyas Lt. Cruz ang nagpapakolekta ng lingguhang intelihensiya sa mga iligal na pasugalan sa Maynila.

Ang nasa likod daw ng pangongolekta ay itong isang alyas Ver ng Manila Police District (MPD).

Kung totoo man ang gi-nagawa ng dalawang ito, alam kaya ito nina Manila Mayor Lim at MPD Director Gen. Alex Gutierrez?

Nagtatanong lang ang ating text tipster.

HANGGANG KAILAN ANG HUSTISYA?

Halos dalawang taon na ang nakalilipas simula nang walang awang pagpapa-tayin ng pamilyang Ampatuan ang mga kapatid nating taga-media sa Maguindanao Massacre.

Hanggang saan at hanggang kailan kaya maghihintay ng katarungan ang mga kaanak ng mga naging biktima ng karumal-dumal na kamatayan  ng mga taga-media na biktima ng Maguindanao Massacre sa kamay ng mga ‘berdugong’ Ampatuan?

Halos 2 years na at halos nauubos na ng mga uod ang mga laman na nakakabit sa mga buto ng mga biktima ng massacre pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang hustisyang hinahanap ng mga kaanak ng mga biktima. Napakasakit na isipin na ang media na kanlungan ng mga karaingan ng mamamayan, sumbungan ng mga problema para marinig ng kinauukulan ang kanilang mga karaingan, pero ano ang nangyari?

Tila nakalulungkot dahil ang media pa ang naging biktima na pakiwari ng lahat ay malabo nang matamong  katarungan na hinahangad!

Ang masakit nito, kung sino pa  ang sumbungan ng mga problema ng mamamayan, sila pa ang naghahanap ng katarungan hanggang ngayon!

Anong klaseng hustisya mayroon tayo? Nasaan ang katarungan sa mga biktima ng Maguindanao Massacre,  gobyernong Aquino at husgado?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply