Alaska napusoy ng Gin Kings

NILAGOT ng Gin Kings ang kabit-kabit na talo kasunod ng pagpusoy sa Alaska Aces, 85-77, habang inalisan ng lakas ng Meralco Bolts ang Barako Energy Drink, 83-75, sa Smart Araneta Coliseum, Miyerkules ng gabi (Nobyembre 23).

Ang bagong recruit ng Gins na si KG Canaleta na bumanat ng 21 puntos at si Mike Cortez na umambag ng 13 pts. ang mga nagbida sa koponan ni coach Siot Tanquingcen habang sina Sonny Thoss (13), Bonbon Custodio (12), at Ryan Reyes (11) ang nagbanta sa Gin Kings hanggang sa pagsasara sa third canto sa score na 65-66.

Nagtuwang naman sina Mac Cardona (17), Gabby Espina (16) at Solomon Mercado (12) para hiyain sina Willie Miller (14), Mick Pennisi (14), Wynne Arboleda (13) at Dorian Peña (12) para sa 3-8 win-loss record ni coach Junel Baculi.

Maghaharap bukas ng hapon sa Smart Araneta Coliseum ang wala pang panalong Shopinas.com Clickers at Powerade Tigers na tangan ang 3-7 record habang sisikapin ng B-Meg Llamados na iangat ang 6-4 slate sa pagharap laban sa No. 2 Rain or Shine Elasto Painters (7-3) sa main game ng 10-team two-round elimination ng PBA Governor’s Cup.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply