Ali Peek pinayagan nang maglaro

HALOS isang buwan matapos makaligtas sa pamamaril, pinayagan na ngayong araw ng kanyang doktor si Filipino-American professional basketball player Albert Henry “Ali” Peek na makapaglaro muli sa Philippine Basketball Association tournament.

Sa Twitter account ni Peek ay ipinagmalaki niyang magaling na siya at nabigyan na ng clrearance ng kanyang doktor para makabalik sa paglalaro ng basketball.

“I’m doing great and I just got clearance from the doctor. I’m fully recovered! God is great!” pahayag ni Peek na naglalarong forward-center para sa Talk’N’Text team sa PBA.

Gayunman, sinabi ng coach ni Peek na si Vincent “Chot” Reyes, na si Peek lamang ang makakapagsabi kung puwede na siyang makapaglarong muli.

Matatandaan na binaril ng hindi nakikilalang lalaki si Peek sa labas lamang ng RFM gym sa Pioneer St. Mandaluyong City noong nakaraang Nobyembre 7.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ang suspek at hindi pa rin nababatid ang motibo sa pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply