Alice Dixson: First time na lalabas na kontrabida sa ‘Glamorosa’

SUPER beauty si Alice Dixson nang dumating sa red carpet press launching ng bagong niyang soap sa TV5 sa Lighthouse room, Meralco Bldg., Ortigas.

Sa bagong soap, kontrabida role siya na okay lang naman kay Alice. Aktres siya na dapat gawin ang lahat sa mga assignment niya pero kinukonsider niyang challenge ito dahil first time niyang gagawin sa isang soap.

Makatutunggali lang naman niya ang Grand Slam best actress na si Lorna Tolentino. Palaban si Alice sa role niya at gayundin si Lorna.

Pareho nilang pinaghandaan ang kani-kanilang role.

Si Paulina Valdez si Alice sa soap, isang up and coming cosmetic surgeon na magiging karibal ni Claudia sa pag-ibig at sa larangan ng pagpapaganda.

Ang iba pang cast ay sina Zoren Legaspi bilang si Karl, ang street-smart hoodlum at ang lalaking magpapatibok ng puso nina Natalia (Lorna Tolentino) at Paulina.

Kasama rin si Rits Azul bilang si Giselle, ang dalagang pilit na hahanapin ang tunay niyang pagkatao.

Kasama sa cast sina Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Jenny Miller, Nonie Buencamino, Ronaldo Valdez, Ms. Gloria Diaz, at Ms. Celeste Legaspi. Kasama rin ang mga kabataang stars ng TV-5 na sina Meg Imperial, Martin Escudero at Victor Silayan.

Tatlong director ang magtutulong, tulong sa Glamorosa: Eric Quizon, Argel Joseph at Bb. Joyce Bernal. Simula na ito sa Nov. 7 sa TV-5.

000

INAMIN ni Lorna Tolentino sa presscon ng Glamorosa ng TV-5 na ginawa sa magarbong Lighthouse ng Meralco Bldg sa Ortigas, na totoong nagpahinga muna siya ng dalawang buwan bago sinimulan ang assignment sa bagong tahanan niya ang TV5, na owned ng grupo ni Manny V. Pangilinan.

Ani Lorna: “Totoo, nagpahinga ako pagkatapos ang huling soap opera kong ginawa sa kabilang network. Feeling ko na-drain ako. Kaya dalawang buwan akong nagpahinga. August ako natapos ng huling soap ko, October na ako nagsimula ng bago kong soap.

“Naiiba ang role ko rito pero madali akong nakapag-adopt. Kasi na-experience ko na mag-care giver sa sarili kong asawa, si Rudy (Fernandez).

“Lahat naman ng role sa akin ay pantay-pantay. Artista ako kaya nagagawa ko ang dapat gawin.”

000

MADADAGDAG sa grupo ng talented but beautiful singers ang bagong pasok pa lang sa recording industry na si Raia Quiroz. Last Saturday night (Nov.5) nai-launch sa press ang kanyang first album titled Raia Quiroz Tara Na.

Talagang tawag pansin ang beauty at talent ni Raia nang pumasok na sa siya sa entablado ng Penthouse ng Rembrandt Hotel sa Morato Ave., QC.

Sa pagkanta niya ng pop at ballad, pumasok agad sa amin ang sexiness ni Anne Curtis, pero ang beauty niya ay malaki ang pagkakahawig kay Cristine Reyes.

Sa totoo lang, mas maganda pa ang face ni Raia kay Cristine ngayon dahil siya’y 16 lang.

Ani Raia: “Salamat po sa papuri nyo sa akin. Nung five years old pa lang ako ay nagkaroon na ako ng formal training sa voice lessons.
Mahilig na kasi akong kumanta noon kaya minabuti ng parents kong magkaroon ako ng formal training.

“Di naman ako sumasali sa mga amateur singing contest kasi busy ako sa pag-aaral. Bale first appearance ko bilang singer ay noong nagkaroon ng show ang Wonder Gays sa Zirkoh Morato. Ako ang front act ng grupo. Masarap pala ang pakiramdam mo kapag umaawit ka na sa maraming tao.”

Sa walong cuts sa album ni Raia, apat ay composed ni Blanktape at apat din kay Boy Christopher.

Ani Raia: “Bale stepping stone ko lang po ang pag-awit. Gusto ko talagang umarte. Gusto kong unang makapartner ay ang Kapuso star na si Jake Vargas.”

Sa beauty at talent ni Raia, karapat-dapat lang siyang maging Kapuso.

000

SIMULA November 7, isang maagang pamasko ang handog ng Kapuso Station sa pamamagitan ng pinaka-bagong interactive game show na Suwerteng-Suwerte sa Siyete: Win Mo Pamasko!

Ang mga Kapuso celebrities pa mismo ang maglalaro para manalo ng limpak-limpak na papremyo ang mga masuswerteng home partners mula sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Para sumali, isulat lamang sa isang papel ang pangalan, address, telephone number, at pirma, at ilagay sa isang legal size white envelope kasama ang isang proof of purchase. Para sa kompletong listahan ng sponsors, abangan lamang ang mga Win Mo, Pamasko promo plugs sa GMA-7 at GMA News TV.

Sa likod ng envelope, isulat ang “Win Mo, Pamasko”, brand ng lakakip na entry, at area kung saan nakatira (Luzon, Visayas, Mindanao , o NCR). Maaaring ihulog ang entries sa GMA Network Center, GMA Regional TV/Radio stations, o selected Mercury Drugstore nationwide.

Ang mga mabubunot na home partners ay i-aannounce tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa GMA bago mag Kapuso Movie Festival at bago mag-“Daldalita,” at sa GMA News TV naman bago mag-“Quickfire” sa umaga gayon din sa hapon.

Sa isang episode, ang apat na pangalan na mabubunot ay ire-represent ng mga Kapuso stars. Ang mga Kapuso celebrities ay hahatiin naman sa dalawang teams, at siyang maghaharap sa mga inihandang games ng programa.

Ang mga masuswerteng home partners ay mag-uuwi ng tig-5,000 pesos bukod pa sa mapapanalunan ng mga celebrity player. Ang mapapanalunan ng bawat teams ay hahatiin sa pagitan ng kani-kanilang mga home partner.

Para sa kompletong detalye, abangan lamang ang mga Win Mo, Pamasko plugs o tumawag sa promo hotlines sa 925-7372 (Metro Manila) o 1-1-800-925-7372 (outside Metro Manila). Maaari ring mag-log on sa www.gmanetwork.com/winmopamasko.

Sa pangunguna ng game master at veteran host na si Joey de Leon, abangan ang Suwerteng-Suwerte sa Siyete: Win Mo Pamasko! simula ngayong November 7 sa GMA-7, na may simultaneous telecast din sa GMA News TV.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply