Aliño walang time sa media, sa customs ‘players’ lang

ISANG kilalang “customs player” ang naispatan ng mga mapagkakatiwalaang source ng Remate ang kasama sa naunang bumisita at “nagpugay” kay dating police general at ngayon ay Customs police director, George Aliño, noong isang linggo.

Una nang tinangka ng ilang mamamahayag na makapanayam si Aliño subalit tumanggi sa pagsasabing “very busy” siya dahil bagong upo pa lang sa puwesto.

Si Aliño ay nanumpa bilang ESS (Enforcement and Security Service) director kay finance secretary Cesar Purisima, nitong Martes lamang, Nobyembre 15, kapalit ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director, Nestorio Gualberto.

Ang ESS o Customs Police ay responsable sa pagpapatupad ng mga probisyon ng Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP), kasama na ang panghuhuli sa mga hinihinalang “player” o “smuggler” at kanilang mga kargamento.

Ayon sa sources, Biyernes ng hapon naman nila naispatan si ‘Edwin the Saint’ na may “escort” pa umanong isang opisyal ng ESS papasok sa isang kuwarto na katapat lang ng tanggapan ni Aliño.

Papasok sa gusali, binati pa umano ang nasabing player ni Col. Butch Tibayan na siya namang chief of staff ngayon ni Aliño.

Ayon pa sa sources, si Edwin the Saint ay nakahanay sa kilalang players sa Aduana katulad nina ni ‘Rupert Gagoba,’ ‘Manny the Saint, ’ ‘Teves Brothers,’ ‘Tinau,’ ‘Bobot,’ ‘Dennis Lee’ at ang tinatawag na ‘Ochoa Group.’

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply