All year round suman ang arrive!

IF OUR memory serves us right, Dina Bonnevie’s showbiz entry happened by accident.

Ang totoong nakitaan ng star material noon ni Mother Lily was Alfie Anido, Dina’s real-life boyfriend. With Dina in tow, noong siputin ni Alfie ang kanyang appointed meeting with the Regal Films matriarch ay napansin siya ng huli.

Mother Lily’s having taken notice of Dina was the start of it all. Unang ipinakilala si Dina via the movie “Katorse,” a vehicle that the virtual newcomer did not have to invest time and effort for the big break. But truth to tell, Dina was already 16 pero in fairness, she exuded the looks of a naïve girl.

Much later, Dina evolved into a serious dramatic actress from then on. Nariyan ang mga klasikong pagganap niya in movies like “Gumapang Ka Sa Lusak,” “Magdusa Ka” and “Maging Akin Ka Lamang.” All four movies, including Katorse, had been used as materials for TV remakes.

In Katorse na ginawan ng TV version ng ABS-CBN, it was Erich Gonzales who played her role. Si Jennylyn Mercado naman para sa Gumapang…, Katrina Halili for Magdusa Ka and Nadine Samonte for Maging Akin…

At a recent presscon of a not necessarily TV remake of a Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie on TV5, Dina lashed back at one of those actresses na gumanap sa kanyang role. Bagama’t hindi tinukoy ni Dina kung sino kina Erich, Jennylyn, Katrina at Nadine ang ikinadismaya niya in terms of acting, the seasoned actress could not bear seeing her act on TV.

If only for her long years in the business, it is but proper to accord a Dina Bonnevie due respect. After all, not only has Dina proven herself to be an actress in the primordial sense, naging TV host din naman si Dina (and a one hit wonder singer via her ditty Bakit Ba Ganyan?) if only for her being articulate.

An unsolicited advice though to Dina. No wonder, matagal nang wala sa ere ang kanyang TVC (TV commercial) ng gatas to keep a woman’s body in tiptop shape. Clad in a bustier red long gown at the grand launch of her TV5 teleserye, Dina came as an all year round “suman” who hardly slipped into her fabulous outfit.

Despite that, bilib pa rin kami kay Dina.

XXXX

A HULA is a hula is a hula, it’s also like a hulahoop that twirls up and down.

Isang nagmamagaling na showbiz psychic kuno ang naging paksa ng isang umpukan ng ilang mga reporter kamakailan, nagpatawag kasi ito ng ilang select press for his fearless predictions this 2012.

Kabilang sa mga forecast ng psychic eklavu ay ang pagbubuntis ng dalawang aktres from their respective TV affiliations. Initials lang ng mga first name ang ibinigay ng nagmamaasim na manghuhula: R and C.

Kagyat binigyan ng pangalan ang mga personalidad na ‘yon, R being Rhian Ramos who, as well know, is the current dyowa of Mo Twister; and C being Cristine Reyes na nobya naman ni Rayver Cruz.

Intrigued by these predictions, umaasa tuloy kami na ang mga magsisipagbuntisan sa taong 2012 ay sina Rhian at Cristine.

Achievement nga namang maituturing ‘yon ng naturang psychic.

Pero hiling lang ng ibang mga kasamahan sa panulat, wala namang problema kung nag-iingay ang showbiz psychic na ‘yon, huwag lang sanang gamitin ang nananahimik nang kaluluwa ni Jojo Acuin to advance his business interests.

Talk about showbiz pregnancies in 2012, puwede bang huwag gamitin ng bulaang manghuhulang ito na walang krediblidad ang “pagluluwal” din ng mga katsipang prediksiyon?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply