Alok ng Malakanyang, ibinasura ni GMA

TINANGGIHAN na ng kampo ni Pampanga Rep. Gloria macapagal-Arroyo ang alok ng Malacañang na ang gobyerno na ang magdadala ng mga doktor para sa kanya at gagastos sa pagpapagamot ng dating pangulo.

Kapalit ng kondisyon na dito lamang sa Pilipinas siya gagamutin at hindi na lalabas pa ng

bansa.

Sa isang press conference na idinaos kanina sa Quezon City, sinabi ni Elena Bautista- Horn, tagapagsalita ni GMA na sa kabila pagbasura dito ay ipinagpapasalamat nila ang alok o tulong ng administrasyong Aquino.

Ipinaliwanag ni Bautista na ipaglalaban pa rin nila ang karapatan ni Arroyo at ng bawat mamamayan na makapag-biyahe sa ibang bansa batay na rin sa itinatadhana ng konstitusyon.

Pinagdududahan din ng kampo ni GMA kung ano ang magiging kondisyon ng paglalatag ng alok kabilang dito ang mga nakaambang kaso kahit walang sapat na probable cause.

Hinala pa ni Bautista na posibleng ginagawa ito ng gobyerno para maabot ang kanilang deadline na makasuhan at maipakulong si Arroyo bago matapos ang taong ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply