Alternatibong automated election system giit ni Koko

HINILING ni Senador Aquilino Pimentel III, sa Commission on Elections na ikonsidera ang iba pang automated election system sa halip na bumili ng Precinct Computer Optical Scan (PCOS) machines na ginamit noong 2010 elections.

“With all due respect to Chairman Sixto Brillantes, I believe that we should look at other automated election systems instead of limiting ourselves to a single choice,” ani Pimentel.

Ayon sa senador, sa kabila ng naging maayos ang eleksyon noong 2010, may mga kumukuwestiyon pa rin na dapat na pag-aralang mabuti ang paggamit ng PCOS.

“The benefits of automation are very clear. We cannot go back to manual elections and the attendant dagdag-bawas,”  ani Pimentel.

May mga tatlong konsiderasyon na dapat tingnan bilang alternatibong sistema.

“One is cost. It should not cost taxpayers an arm and a leg. Two, it should be efficient, and give us the results very quickly. And three, it should be reliable and can be used over and over again, without being immediately rendered obsolete by newer technology,” ani Pimentel.

Matatandaang nagsagawa ng pagdinig ang Senado hinggil sa naganap na dayaan noong 2004-2007 kung saan umamin ang ilang sangkot dito.

Una na ring iginiit ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na hindi nabawasan ang pagiging independent ng kanilang tanggapan matapos makipagsanib-puwersa sa Department of Justice, sa ginagawang imbestigasyon hinggil sa mga kaso ng dayaan sa nakaraang halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply