Pagkakilanlan ni alyas ‘Bryan’ tukoy na

TUKOY na ng Parañaque Police ang tunay na pangalan ng alyas “Bryan,” isa sa mga suspek sa kasong pagpatay kay Ramgen Revilla.

Ayon sa Parañaque PNP napag-alaman nilang Ryan Montinola Pastera ang pangalan nito na positibo ring kinilala ng star witness sa krimen na si Ruel Puzon sa piskalya.

Kaugnay nito, tumugma rin sa deskripsyon ng suspek na si Roy Francis Tolisora ang hitsura ni alyas “Bryan” na maputi, chinito at may tattoo sa kanang braso.

Kasunod nito ay agad na nagpasa ng amended endorsement ang Task Force Ramgen sa Parañaque Fiscal’s Office para idagdag ang pangalan sa respondents ng kaso.

Napag-alamang malapit na kaibigan ng asawa ng isa ring kapatid ni Ramgen na si Maria Ragelyn “Gail” Bautista ang suspek na si Bryan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply